Funny honey.

Inalok mo ang iyong jacket noong sinabi kong nilalamig ako. Sa totoo lang hindi ko in-eexpect iyon. Ako kasi ‘yung tipong tao na nagsasalita muna bago mag-isip, ‘yung basta basta lang nagrereklamo.  Tinanggi ko kasi nahiya naman ako sa iyo. Hindi pa naman tayo ganoon ka-close eh. Ngunit, paglipas ng ilang mga minuto, pagbalik natin doon sa tuktok, naisip ko ‘eh kung nilalamig nga naman ako! At saka, inalok naman niya eh.’ Kaya habang may sinasabi ang ating kasama, lumingon ako’t hiniram ang jacket mo. Infairness, ang ganda ng fit niya. Tamang laki – hindi maliit, hindi masikip, ngunit hindi rin sobrang laki na nagmumukhang daster kapag ito’y suot ko. Suot ko siya hanggang sa ikaw ay kailangang umalis na.

Sayang may girlfriend ka…

Sayang at hindi kita crush.

Siguro kung crush kita, tuwing nakakatabi kita roon ako’y kinikilig, namumula, at hindi makasalita. Pero hindi eh.

Or ewan. Masaya kasi ako noong nag-usap tayo tungkol sa kung anu-ano. Natuwa pa nga ako nung na-refresh mo sa aking utak ang mga vectors at scales… ba ‘yun? Pati na rin ang mga binary numbers. Natuwa naman ako nung in-explain mo sa akin ang free falling bodies. Namiss ko ang ganung usapan – ‘yung tipong hindi lang puro theories (sawang-sawa na ako roon kahit alam kong wala pa ako sa kalahti ng dapat kong matutunan), ‘yung tipong tungkol talaga sa science. Totoo ‘yung sinasabi ko kanina. Kung magaling lang ako sa Math at sa Physics, siguro iyan na rin ang naging course ko. Pero hindi eh.

Natuwa ako noong nag-drawing ako sa papel ko, niloko mo ako. Kasi iisa lang ang ibig sabihin nun: unti-unti na tayo nagiging close. Pero hindi talaga eh. Ewan ko kung bakit. Siguro  isa ka lang sa mga pwede kong maging ‘kapatid’. Kung tutuusin, kapatid nga naman kita! Dito. Doon. Diyan.

Maraming salamat sa iyong pag-alok. Bukas, magdadala na ako ng sarili kong jacket. Sana, in the future, maging close pa tayo lalo 🙂

 

 

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa itong post na ito. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s