Pasensya na.

Pasensya na…

 

Sa katulisan ng dila ko

Sa mga salitang nabitawan ko (Nabitawan nga ba? O binitawan?). Sa mga pagpapalit natin ng ilang nating mga salita ngunit… ay, sorry, nasaktan na ata kita sa sinabi ko. Hindi ako hihingi ng kahit ano sa iyo (kahit mumunting pag-iintindi sa akin at sa aking mga nasabi) dahil alam kong gumagawa lang ako ng palusot. At alam ng Diyos kung ilang beses na akong nagpalusot sa mga ibang tao, hindi ko na kailangan dagdagan pa ang mga iyon. Alam ng Diyos na kailangan ko nang gawin ang mga nararapat kong gawin para mabura ang lahat ng mga iyon. Lulunukin ko na lamang ang napakalaking bato sa lalamunan ko, lulunukin ko para sa bawat salita na nabibitawan ko, hindi ka natatamaan ng mga maliliit na bato na lumalabas sa bibig ko.

Sinabi ko ba na hindi ako hihingi ng kahit ano? Pasensya na, may isang bagay pala akong kinakailangan sa iyo. Sana maibigay mo sa akin. Sana maibigay mo sa akin ang hinihingi kahit ilang sampung taon man ang abutin – kahit ilang buwan man ang masunog sa langit (dahil alam naman nating lahat na hindi lang iisa ang buwan sa sangkalupaan). Sana, bago ako manigip sa huli kong tulog, naibigay mo na sa akin ito.

 

Sa mga kilos ko

May karapatan ba akong sisihin ang sarili ko –  sisihin ang mga kilos na hindi ko nalalaman na, hala? Nagawa ko na pala ito. May karapatan ba akong sisihin ang mga gawain ng iba, mga gawain na wala naman talagang kinalaman sa akin pero, sige, idamay na lang natin sila para lang masabi na… hindi ako gumawa nito! Sila ang may kasalanan! May karapatan ba akong sisihin ang aking magulang kung paano nila ako pinalaki? May karapatan nga ba talaga akong lumapit sa kanila at sabihin sa kanila ng harap-harapan: Dahil sa’yo, naging ganito ako.

Duwag lang ata makakagawa noon. Kaya heto ako, nanghihingi ng paumanhin sa mga kilos kong nagawang saktan ka. Wala akong karapatang manisi ng ibang tao dahil katawan ko ‘to, ako ang nagdedesisyon sa mga gawain ko. Kung nasaktan man kita (at alam kong, oo, nasaktan nga kita), sana tanggapin mo ang aking munting paghingi ng paumanhin. Sana mapatawad mo ang taong gaya ko na wala naman talagang karapatan manghingi ng kahit ano.

Sana, sa huling tulog ko, malaman ko na ako’y iyong tunay na pinatawad sa lahat ng aking nagawa.

 

Maraming Salamat.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s