Tama nga sila.

Tama nga sila na mas madaling ipaliwanag ang isang bagay sa sarili mong lenggwahe.

Sa katotohanan, sinimulan ko ang blog na ito kasi na-inspire ako sa mga gawa ni Kevin Solis, ang nag-iisang AB Literature (Filipino) sa batch namin. Nabasa ko ang mga kaniyang mumunting likha at, ayun nga, na-inspire akong gumawa ng isang blog. Paulit ulit? 

Mayroon na akong isa pang blog ngunit puro puno ito ng mga imahen ng mga bagay bagay na gusto ko sa buhay ko (na hindi ko naman ata makukuha kasi… imposible siya). Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ako napagawa ng isang blog.

Bakit nga ba purong Tagalog?

Hindi ko rin alam, actually. Hindi naman ako magaling mag tagalog (halata ba? Haha). Siguro nagsimula ito noong aking kinuha ang asignaturang Filipino 14 noong nagkaroon kami ng summer classes. Isa ang Filipino sa mga asignaturang kinaayawan ko sapagkat ako’y nahihirapan dito. Feeling ko kasi hindi sapat ang aking kaalaman sa wikang Filipino.

Ako kasi yung tipong tao na kapag alam ko nang hindi ako marunong (o, in this case, magaling) sa isang bagay e hindi ko na siya ipagpapatuloy. Mapapahiya lang ako kaya’t hangga’t maaga pa, itigil na natin ito, sabi ko sa sarili ko.

Ah basta.

Pero, yun nga. Noong bakasyon, nagkaroon kami ng isang proyekto kung saan kailangan naming gumawa ng tatlong papel at isang video tungkol sa nobelang i-aassign sa amin. Mas ginusto kong gumawa ng papel kaysa tumulong sa pag-edit ng video, hindi kasi ako kasing techie ng mga kasama ko kaya nag-volunteer ako sa iba pang gawain.

Natakot nga ako noong una kasi, kagaya ng sinabi ko kanina, hindi ako magaling sa tagalog.

Ngunit noong sinimulan ko na ang pag hahanap ng ilang mga librong tumutungkol sa aking topic, naaliw ako. Nakakatuwa palang gumawa ng papel sa sariling wika. Sabi ko sa sarili ko, bahala na kung hindi ganoon kaganda o kung hindi ganoon ka-tama ang paggamit ko sa ilang mga salita, ang mahalaga ang kontento ng iyong sinusulat.

Kaya ito ako ngayon.

Nagsusulat (nagttype?) sa wikang tagalog kung paano, at bakit ko naisip gumawa ng isang blog.

Ano ang maari ninyong i-expect sa mga susunod kong post? Hindi ko alam. Tingnan na lang natin.

Sa susunod muli.

 

(At syempre kinakailangang sabihin sa dulo ng bawat post: pasensya na sa aking mga pagkakamali sa paggamit at sa maling pagpwesto ng ilang mga salita. Maraming Salamt sa pag-intindi)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s